WATCH | Duterte visits Marawi ‘main battle area’

August 5, 2017 - 8:47 AM
6182
President Rodrigo Duterte visits wounded personnel in Marawi City. (image from RTVM video)

MANILA, Philippines — President Rodrigo Duterte ventured Friday into the frontlines of Marawi City where government forces have been battling extremist gunmen since May 23, the military’s Western Mindanao Command said.

Video taken by RTVM showed Duterte arriving in a heavy downpour.

WestMincom said he arrived around 4:30 p.m. and stayed for around an hour handing out watches and goods to the troops, checking on wounded personnel and indulging requests for selfies and groufies.

The visit took place “days after troops successfully gained strategic structures previously held by the Daesh-inspired group,” a WestMinCom statement said.

Malapit na itong matapos, konting tiis na lang (This will end soon, just a little patience). Just make sure na buhay kayo ‘pag natapos itong gyera na ito (that you are alive when this war ends),” Duterte told some 300 soldiers and policemen.

In his speech, Duterte also explained why he lashed out at his predecessor Benigno Aquino III over the issue of the war against drugs and said it hurt him to have his accomplishments questioned when these came at the cost of the lives of soldiers and policemen.

He also met with ground commanders and vowed to put up a P50-billion trust fund for dependents of soldiers and police personnel.

Duterte was accompanied by National Security Adviser Hermogenes Esperon, Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP chief General Eduardo Año, and the heads of the major services — Lieutenant General Glorioso Miranda of the Army, Vice Admiral Ronald Joseph Mercado of the Navy, and Lieutenant General Edgar Fallorina of the Air Force.

CLICK TO WATCH THE RTVM VIDEO:

HERE IS THE TEXT OF DUTERTE’S SPEECH TO THE TROOPS AS RELEASED BY THE PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE:

 

Mga mahal kong sundalo, I was reading the briefer last night, ito. And there was a statement that we are winding up, that we are entering the critical stage.

I hope that there would be less heartaches and you’d be able to clean up Marawi, get rid of the terrorists at sana wala nang madisgrasya.

I have to be here because I want you to know that talagang mahal ko kayo[applause] And alam mo hindi naman ako nang-iintriga, this has nothing to do with you actually but [inaudible] ko ‘yung papel

Kasi ito akin ‘to. Sabi kasi ni Noynoy, si Presidente, hindi ako nang-iintriga. Wala na ‘yon eh, past tense na ‘yan.

Pero tinanong siya about the drug operation at ang sinabi niya, “wala namang nangyari, mag-iisang taon na.”

Alam mo ang retort ko sa kanya, I answered back, “Napakagunggong mo naman.”

You know, in the number of killed, I have lost sa aking pulis, almost a total of 81 drug-related, ‘yung 17 dito.

But you know, you must remember that what precipitated, what started the fight there was an operation against a drug personality.

So tapos i-belittle mo na walang nangyari? Masakit naman ‘yan.

Eh ang rami kong sundalong namatay. Wounded sa pulis 231, drug-related — 77 dito, Marawi 36.

Itong Marawi nag-umpisa ito sa drug operation. Now, when you say “walang nangyari,” nakaka-insulto ‘yan. And I am very sensitive sa ganitong issue kasi marami na ang pulis pati sundalo ko namatay.

So if you are careless, magsabi ka, “walang nangyari,” talagang mag-init ang bunganga ko. Kaya huwag ninyong, sabi ko basta-basta na lang magsalita because you don’t know the real score.

‘Yung collection ko sa shabu, sa one year, I got about … Ang kanyang sa — the entire six years niyaah one year, they only — they’re able to get 4 billion 83. Sa one year ko, nung matatapos na ako, nu’ng one year na ako, I confiscated or seized 18.52 billion.

Kaya naiinsulto ako. Marami akong namatay pero marami rin akong nakuha but at the cost of the lives of my soldiers and police. Kaya ang sagot ko medyo balabag. Sabi ko, “Napakagunggong mo naman.”

That was the reaction of the … Hindi magandang ano ‘yan — and ex-President siya. He can just say, “Well, the battle is a continuing one. It would never stop but we have to continue to be vigilant…” Hindi ba ganu’n?

So ‘yun ang ano ko lang kasi puro kami presidente baka narinig rin ninyo, eh ayaw ko ng ganon eh. Very sensitive ako diyan sa issue ng kagaya ng mga sundalo ko pati pulis.

So I’m here to … May dala akong konting ano but… Marami akong reserba. I have the money.

Now, ‘yung promise ko na I will establish a trust fund of 50 billion when I go out of the presidency 5 years from now, kung buhayin pa ako ng Panginoong Diyos, that 50 billion will be dedicated solely sa education ng mga anak ninyo. [applause]

Pagka ngayon pa lang — I signed the law last night. I’m giving everybody, lahat ng ating mga anak a tertiary education, college. Oo, libre na ngayon.

Itong hinahabol koHindi ako anoMahirap lang din ako na tao. I mean, I … I have … I come from a poor father. Itong ano kasi ang disparity kasi ng mga mayaman pati mahirap, ‘yung‘Yung iba kasiHindi naman ako nang-iinsulto ha. ‘Wag ninyong ibahin ang ano ko

Kasi ‘yung iba they can pursue studies. They can go to UP kaya sigurado naman talaga na mas mataas ang standards. They can go to sa Ateneo, La Salle, UST. ‘Yung kasi ‘yung atin lang mga technical, technical, ang bata naman kung may utak, bigyan natin ng panahon.

So with the scholarship that is already free, after that, she can pursue — kung gusto niyang mag-medicine, kaya niya kasi ang gagastusin lang ng trust fund is half. ‘Yung first niya four years libre ‘yan. Libre na lahat eh. Pinirmahan ko ‘yung

Alam ko ‘yungMaski akoito, totoo ‘to. Alam ng opisyal ninyo ‘yan. Noong vice mayor ako, nagka-kampanya akong mayor, nag-checkpoint ako sa Davao, sa Paquibato. Noong pinara nila ako, ‘yung M14 na hinawakan ng NPA talagang itinutok dito sa ano ko. And surprisingly, wala akong takot. Parang ang sabi ko, “Iputok na nila ito.”

Ang pumasok lang sa isip ko ‘yung anak ko na nung nasa tiyan pa ng nanay niya, three months old lang. Ang sabi ko sa isip ko, gusto ko kung talagang ito na, ‘wag mo lang pahirapan ang anak ko sa buhay. Sana naman may vitamins siya.

Tayo wala na eh. AkoNandito tayo. You will never know what will happen. Papauwi pa ako ng Davao. Eh ‘yun ang trabaho natin, to die for our country. And it is good to die for one’s country. ‘Di lang natin alam kung kailan pero lahat naman ng tao namamatay. Whether you survive for 10 years … Mabuti nga mas maaga pa. Kaysa mag-inutil ka, eh ‘di ‘wag na.

Kung paabutin ka dito ng nobenta anyos. Susmaryosep. Kaya ako ang sabi ko sa iyo, prangka-prangka lang. ‘Yun ang hinabol ko. Kasi ang importante sa atin ang anak eh, hindi tayo. Alam natin na any time, ni asawa mo o kapatid mo, any time ‘yan, ‘di natin alam. The time of when to die is not controlled by us. It’s destined sa Panginoon.

Wala tayong ano diyan. Pero gusto natin ang pamilya, ang bata. ‘Yung anak mo na bright, libre naman ‘yung four years. You get another four years doon sa trust fund ninyo to finance his maybe medicine or law.

‘Yan ang mga mahaba na kurso eh. Ten years lahat ‘yan. Four years, another four years sa law course tapos one year review. One year kang mag-hintay kung kailan ka mag-bigti kay bumagsak ka sa bar. Pero if your son is talented [inaudible]

Ating next generation ng mga anak mo, maski na wala na tayo dito. You are in heaven, wherever you are, nakita niyo naman na masaya kayo. At kampante ka na hindi maiwan ang anak mo. ‘Yan ang habol ko diyan sa 50 billion.

Kumpleto na sana ‘yung sa Mighty King. P***** i** itong [inaudible]. Eh pumutok ‘toNakuha na naman ang kalahati. Sabi ko ‘wag ninyong galawin ‘yan because I promised that amount to the soldiers. Ibigay ko ang kalahati. It’s about 45. I’ll get the 20 and maybe dito sa rehab sa Marawi. We have to help our …

Hindi ako galit sa mga Maranao. Ang lola ko Maranao. Wala talaga akong right na magsabingHindi ako puwede magalit sa kanila. Galit ako sa mga extremists, sa Maute, pati ‘yung pumasok dito na hindi taga-rito.

Tapos nagdala ng bakokang na ideolohiya. Diyan ako galit sa kanila. Hindi ako galit sa mga taga-Marawi. For all you know, ilan lang din naman ang sumali. Pero they broke a strange … Walang ginawa. Hindi naman relihiyon, hindi naman ideology. But walang ginawa kung magpatay.

Kaya doon sa lahat sa Middle East. Gulgulin ang tao. Tapos to destroy… But we have to fight that kasi kawawa ang next generation. ‘Pag ma-overwhelm itong mga ganitona ganu’n ang ideology. Kung kailangang magpakamatay kayong lahat, magpakamatay, talagang tatapusin natin.

And we will go into a very strict regimen. Wala na ako … I am asking money to add 20,000 to the Armed Forces at 10,000 sa pulis. Pero you can never allow this ideology to spread. To the last man, talagang patayan ‘to.

Ako na mismo ang mag-utos. Kayo, hayaan niyo ‘yang mga Human Rights diyan. They are putting our country in a very, very serious … Huwag kayong papayag diyan. Basta na lang

Ngayon, itong kay Parojinog, sinabi ko naman sa inyo, hindi talaga ako papayag ni isang military o pulis na makukulong. Kasali na diyan ‘yan si Albuera pati ‘yung ibang [inaudible] mayor pati mga pulis.

Kita mo ang rami kong drug-related deaths sa military. Mas marami ako kasi sa Mindanao, ang harap ninyo, M60. You try to raid a laboratory there, you face an arsenal of weapons.

Kaya iba ‘tong mgaItong statement ni Presidente, hindi maganda ‘yang sabihin niya walang nangyari. At the cost of so many lives, walang nangyari?

At sabihin pa ni Grace na “watch your mouth.” You take care of your … You take care of your mouth, and I will take care of mine because my mouth is not for your mouth. Tahimik ka lang diyan kasi hindi mo naintindihan from where of I — I stand.

Gusto ko nga sanang sumama sa inyo. Wala bang ibang putukan diyan? Subukan ko itong P90 ko. Pero alam moAlam nila itong Barrett, I have this Barrett. Bago ‘yan, ibinigay ni anohindi ko na sabihin.

Semi-auto. Kumpleto na ‘yung [inaudible] computer. Ang highest sa anoSabi ko sa mga opisyal niyo, kanya ‘yan. ‘Yung pinaka-ace ninyo sa [inaudible]. He will own it. Once this war is finished, I’ll come back to give it to you personally. ‘Yan ang promise ko[applause]

Personal mo na ‘yan tutal mag-retire na kayo, inyo na ‘yan. Kung bilhin ni … You know, General Año is retiring. August siya eh. Ay October, October, he will be leaving you.

But kukunin ko si Año sa DILG. So sa pulis rin ‘yon. [applause] Namomoroblema ako diyan sa medyo konti saSi Ed Del Rosario, ‘yung dating na-assign sa Davao, is now the Chairman sa Housing.

So ang gagamitin ko puro na halos military lahat. Kaya huwag kayong mag-alala, hindi kayo maiwan kasi baka ‘pag napuno na ito, papunta na ‘yan sila. They will decide, “Kami na lang. Bakit ba ibigay pa namin sa inyo?”

‘Wag na ‘yung coup d’état sabi ko sabihin niyo lang sa akin, bababa ako. Mag-away lang kayo ng military, parang buang. Huwag kayo magbarilan.

But really, itong isang ano … I cannot — matagal akong mayor sa Davao. Mahirap talaga ‘yang civilian mga eligible ganu’n. ‘Pag inutusan mo ‘yan, antagal.

‘Pag sinabi mo tapusin mo isang oras, itong mga ‘toSusmaryosep. After lunch break, punta ng mga mall, magpasyal-pasyal.

So that is why, pareho lang, same criticism with Gloria Arroyo and kay Aquino. Bakit dawTakot ba daw kami sa military? Hindi kami takot sa military. Bilib kami sa military pati pulis. Kasi mautusan mo magtrabaho. [applause]

Hindi kagaya ng mga gunggong, abutin ‘yung papel diyan na 10 days. [inaudible]

Pero sabihin ano, active-active.

Nadala ko na lahat ng baril dito. Una ‘yunghindi ko naman kailangan. Ibigay ko ‘yan kako. I-distribute ko ‘yan.

May ano akomay isa pa akong ibigay. Pareho itong kaykay General Año. Pero ‘yun, ganun — US Marine. Talagang [inaudible]?

So kung sino ‘yungmga valor-valor diyan, sigurado, meron kayong ano. Ibigay ko na ‘yung mga baril ko, matanda na ako at tsaka nawala na ‘yung hilig ko.

Wala na kasi akong hilig du’n. Pangpangbigay ko ‘yan sa mga anoSigurado ‘yang may mga valor dito. I’ll give one. Kung marami kayo, bunot-bunot na lang. Ang consolation prizes, ‘yung mga artista dadalhin ko. [laughter]

But I’m sure na okay kayo. Dahan-dahan na lang tutal patapos na eh. You need not hurry. Ang problema diyan ‘yung mabilis ang gusto. Tandaan niyo giyera ‘to, bala ang kalaban mo dito.

Relax and huwag kang pumasok sa — one rule is that huwag kang pumasok sa giyera na may galit ka. Pasok mo doon sa war zone, isipin mo may papatayin ka. But do not — ‘yung may hate ka. Kasi kung may galit ka, susubsob ka eh.

‘Yung ibang sundalo ganu’n, ‘pag nakita niya ‘yung mistah niya, magagalit eh, ma-emosyon. Ayan maubos tayo ng ganu’n.

When you enter the war zone, relax ka lang, relax.

Ito, nananalo na tayo. So ‘yan ang anoAt saka siguro may prize ako ‘yung ano‘yung valor, ‘yung mga tigas. Mga Hong Kong siguro. [applause]

Hong Kong — libre ‘yan. Kung gusto mo magdala ng partner, asawaKung ayaw mo naman, sabihin mong ituro mo ‘yung artista na gusto mo at pakiusapan natin. [laughter] Ah bilib ‘yan. Ay, totoo. Ah, alam mo ‘yang mga babae, pagka ganu’n, “T*** i**, valor ‘to, tigas ‘to.” Mas tigas ito sa u***, p***** i**. [laughter] Matigas ito sa away eh.

Sige lang. You will have so many surprises coming your way. I hope that — stay alive, fight cool, do not be in a hurry, do not go into a rage kasi ‘pag galit ka, idadamay mo sarili mo.

Take time tutal patapos na, and try to be alive because we will be — hopefully, insha’Allah, we will be meeting each other. Thank you. [applause]