Quotes, Juxtaposed: How will presidential bets deal with South China Sea dispute?

May 7, 2022 - 12:47 PM
2815
Top presidential candidates for the 2022 Philippine elections: (From top left) Leody de Guzman, Vice President Leni Robredo, Isko Moreno Domagoso (From lower left) Ferdinand Marcos Jr., Ping Lacson Manny Pacquiao

Where the Malacañang hopefuls stand:

Leody De Guzman

Ah malaking problema talaga yung ginagawa ng China dito sa ating mga mangingisda, no? At ang kailangan talaga natin ay  pakikipag- – hindi naman natin kayang labanan giyerahin yung China dahil sa klase ng inabot ng ating military capacity.

Tingin ko dapat gamitin natin yung panalo natin sa international tribunal at kakampihin natin yung iba pang hinaharrass ng China dito sa Southeast Asia para itulak yung mga bansa na signatory dito sa UNCLOS na suwayin, pigilan itong China sa kanyang ginagawang panghaharrass sa ating mga mangingisda na hindi pinapayagan. At gamitin natin siguro economic, diplomacy, para i-pressure yung China na mapayagan o makangisda yung ating mga mangingisda dito sa ating West Philippine Sea. Ito’y atin at dapat ito’y inirerespeto ng China bilang isang member din– o signatory ng UNCLOS para nang sa gano’n ay magkaroon tayo ng laya na makapangisda. At dagdagan natin ng Coast Guard o Navy diyan para protektahan ang ating mga mangingisda. 

De Guzman said this during a presidential debate hosted by SMNI on Feb.15, 2022.

Francisco “Isko Moreno” Domagoso

In a civilized world, in a civilized time, we are guided by law and order. O e pabor sa’tin yung Hague, oh e dapat kilalanin nila yon. O hindi naman nila kikilanin, pero sisiguraduhin ko muna first things first: food security. Yung mga mangingidsda natin, sisiguraduhin ko makakapangisda kayo diyan. Yan ang katiyakan. Second, hindi na lalawak pa kung ano man yung mga nakuha nila. Habang binabawi natin yung mga nakuha na nila, hindi na sila makalalawak. At third, I will make sure that there is presence of our armed forces in that archipelagic area.

Moreno said this during the presidential interviews moderated by GMA News’ Jessica Soho on Jan. 22, 2022.

Panfilo “Ping” Lacson Sr.

Kailangan ituloy yon kasi permanent yung ruling na yon. Kaya lang hindi implementable, ano?Kaya kailangan dumulog tayo at magpalakas tayo ng alliances with militarily strong countries tulad ng United States, European Union countries, Japan , Australia, at marami pa. Balance of power ang kailangan sa West Philippine Sea. Ang foreign policy naka-anchor palagi sa national interest. I-capitalize natin yung national interest ng iba’t ibang bansa dahil kailangan din nila sa freedom of navigation, diyan dumadaan yung 10 to 12 percent ng international trade. S o dun tayo kumuha ng lakas kasi hindi natin kayang harapin ang Tsina dito.

Lacson also said this during the same GMA News presidential interviews in January.

Ferdinand Marcos Jr.

Kailangan natin pabalikin dun sa nag-uusap tayo at hindi lang nag-uusap para magreklamlo kundi nag-uusap para ayusin ang problema. Yung policy of engagement na ginagawa ng Duterte government, although it is criticized, this is the right way to go dahil anong gagawin natin? Hindi naman natin pwedeng igarahe. May nagsaSabi diyan bumili tayo ng patrol boat, bumili tayo ng mga jet para kung sakali mapalaban tayo. E ba’t pa natin iisipin yon kung mapalaban tayo, tapos yung giyerang yan wala pang isang linggo, tapos na yan. Talonna tayo. So huwag na nating isipin yon. Medyo mas mahirap pero yung bilateral concensus, yun ang pinakaimportante na meron tayong bilateral concensus dahil ang pagsolusyon sa mga territorial conflict, halimbawa may mga territorial claim ang dalawang bansa, naaayos lang yan sa ICC pero kailangan sumang-ayon ang parehong bansa. Magsasabi okay sa akin sa Pilipinas, susundan ko yung decision ng ICC. Kailangan yung China, magsabi rin ng ganon para maayos yung problema. Pero yung China hindi naman signatory sa pag-taguyod ng ICC. Pangalawa, sinabi na nila mula pa sa umpisa: hindi namin susunduan, hindi namin kinikilala yung mga decision sa ICC. So wala sa atin yon. Eh yung isang paraan para maayos ang mga conflict sa territorial conflicts ay giyera. Gigiyerahin mo tapos ite-take over mo yung lugar. That’s another way of acquiring new territory. Ayaw naman nating gawin yon. I don’t think the Chinese want to go to war with us. We certainly don’t want to go to war with China. So the only thing left, the third option left is bilateral agreement. And we have to come to  [a] bilateral agreement on many items because naging komplikado na itong issue. So although tama yung direksyon ng Duterte government in terms of foreign policy sa China and the West Philippine Sea na nag-eengage tayo, sa aking palagay we have to engage China on many different levels. Hindi lamang sa diplomatic level kung hindi pati sa economix level, sa social, sa cultural, sa sports. Lahat ng mga exchange na yan makakatulong yan dito sa gulo na inaano natin.

We have to remember na ang nagumpisa sa pagdiplomatic relations ng US at China, sa Pingpong lang e. Dahil naging magkAkaibigan yung naglalaro ng Pingpong ng America at saka yung naglalaro ng Pingpong ng China, naging kaibigan sila, dun na nag-umpisa. So you never know saan lilitaw yung pagkakataon na maayos natin yung problema kaya we have to explore many different levels. Yung mga backdoor. Marami naman tayong businessman maraming connection sa China. Sabihin natin sige, mag-usap kayo baka sakali. On a military level, puwede rin natin pag-usapan kung ano yung mga dapat kailangang gawin, mainvolve para to protect the West Philippine Sea.

Tapos siyempre yung pinakamabigat na issue sa atin. Pabayaan niyo na yung mga fisherman namin, huwag niyo nang lalagyan ng mga warship na hinaharang nila, e hanapbuhay nila yan. At this is already the 10th generation ng fisherman, nandiyan sila namimingwit tapos biglang sasabihin nyo na hindi sila pwede. So dahan-dahan kayo. Hindi maaayos ito sa usapan na isang oras, o isang araw. This will take time because.. naghiwalay nga, dahan-dahang ibabalik ulit ang pagsasama at pagkakaibigan ng China at saka ng Pilipinas.

Marcos said this during the Friday News Forum hosted by News5 in September 2021.

Manny Pacquiao

 

Unang-una po, ipaglaban natin yung karapatan natin. Hindi naman tayo pUwede rin magpabully. At kailangan din pag-usapan kung ano yung mga problema kasi hindi po nareresolba ang mga problema sa isang pag-uusap o dalawang pag-uusap, lalong lalo na pagdating sa usaping ito: West Philippine Sea. Ang kailangan maraming dialogue, maraming pag-uusap para magkaintindihan. Kasi matagal na yan at hindi natin maresolba resolba kasi wala pong pag-uusap, mismo sana na hindi lang isa o dalawang pag-uusap. 

Pacquiao also made this remark during the presidential interviews aired on GMA News. 

Leni Robredo

It’ll always be more beneficial to us to have an inclusive and independent foreign policy as opposed to one that favors specific countries. But that being said, for China, we will collaborate with them for areas where we have no conflict, such as trade and investments, much like what Vietnam has been doing, but when it comes to the West Philippine Sea, we cannot deal with them without their recognition of the arbitral ruling. For example, we only agree to joint oil exploration with them if there is first a recognition of our rights…

Robredo said at the Rotary Club forum in October 2021.